Maguindanao del Norte – Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Community Outreach Program ang mga kapulisan ng PRO BAR sa mga residente ng Barangay Lipa, Barira, Maguindanao del Norte nito lamang ika-28 ng Pebrero 2023.
Naging matagumpay ang aktibidad sa inisyatibo ng 1404th “PUMA” RMFC, sa pangangasiwa ni Police Major Japet Gutierrez, Company Commander katuwang ang BLGU ng Lipa, RMFB 14 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Argel Ancheta, Battalion Commander, RRSU BAR sa pamumuno ni PLtCol Rudy Elandag, OIC, MBLT-5, RHU BAR, RSFO 18 sa pangunguna ni PMaj Alyssa Sinlao Gutierrez, Barira MPS, TSC-RMFB 14, Tau Gamma Phi, TCKKI at iba’t ibang stakeholders.
Kabilang sa aktibidad ang pamamahagi ng libreng tsinelas, hygiene kits, bigas, food groceries, school supplies, bags, libreng tuli, libreng gupit, medical and dental na may libreng mga gamot.
Ito ay alinsunod sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr, na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz