Cuneta Astrodome, Pasay City — Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Orientation at Barangay Ugnayan ang mga tauhan ng Southern Police District sa Cuneta Astrodome, Roxas Blvd. Pasay City nito lamang Huwebes, Agosto 25, 2022.
Ito ay dinaluhan ni Hon. Imelda Calito-Rubiano, Mayor ng Pasay City at Pastor Lee D. Oliver, KASIMBAYANAN convenor at lecturer.
Tinalakay ni Pastor Oliver ang PNP KASIMBAYANAN kung saan tinalakay niya ang mga tungkulin at responsibilidad ng lahat ng sektor sa lipunan upang makamit ang kapayapaan, kaayusan, pag-unlad, at holistic na pagbabago sa bansa. Ayon pa sa kanya, ang buong suporta mula sa lahat ng sektor ay kailangan upang mabisang maipatupad ang mga adhikain nito.
Nagbigay rin ng moral at espiritwal na pagpapayaman sa mga kalahok si Bishop Vincent Vicensio, Presidente ng Christian Coalition Movement.
Samantala, ipinahayag din ni Rommel Cena, kumatawan kay Hon. Marco Augusto G Cabueños, Jr, City Director ng DILG-Pasay City ang kanyang suporta sa PNP at pangako ng pakikipagtulungan sa DILG at LGUs.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina Rev. Manny Buensuceso, Alyansa ng mga Pastor at Ministro ng Pasay; Dr. Loreta B Torrecampo, CESO I; at mga kawani ng DepEd, Barangay Captains, Sangguniang Kabataan, Zone Leaders, Brotherhood Christian Ministers sa Pasay – Elders ng Lungsod; at mga pinuno ng relihiyon ng iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Pasay.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang collaborative partnership ng religious sector, local government, PNP, at komunidad upang sa gayo’y mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng bansa na syang isang shared responsibility ng bawat isa.
Source: SPD PIO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos