Cebu City – Nagsagawa ng KASIMBAYANAN Community Outreach Program ang mga tauhan ng Abellana Police Station, CCPO sa mga estudyante ng City Central Elementary School sa P. del Rosario Street, Sambag I, Cebu City nito lamang ika-24 ng Nobyembre 2022.
Pinangunahan ng mga tauhan ng naturang istasyon sa pangangasiwa ni Police Major Nolan Primacio Tagsip, Station Commander kasama si Pastor James Villegas ng Jesus of Nazareth Church, KASIMBAYANAN Community Adviser, Advisory Group at Mrs. Nelma Alderson sa pakikipag-ugnayan sa punong-guro ng naturang paaralan na si Mrs. Maricon Gumba, Principal III.
Sa naturang aktibidad ay namahagi ang grupo ng mga pagkain at kasabay nito ay ang pagbabahagi ng mga aral ng panginoon para sa mga Grade 4 na estudyante ng City Central Elementary School kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month na may temang: “Kalusugan, Kaisipan, at Kapakanan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”.
Alinsunod sa peace and security framework ng PNP na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran), sa ilalim ng Programang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan), hangad ng aktibidad na maipadama ang malasakit na serbisyo publiko kasabay ng pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng komunidad.