Camarines Sur (December 18, 2021) – Nahuli sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan ang isang kasambahay na suspek sa pagnanakaw sa kanyang amo sa Purok 5, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Sur nitong Disyembre 18, 2021 sa bahay ng kanyang kamag-anak sa Brgy Huyon-huyon, Tigaon, Camarines Sur.
Una ng naiulat ang pagnanakaw sa bahay ng negosyante sa Brgy Lag-on, Daet, Camarines Norte ng nakunan ng CCTV footage ang pangyayari at dito natukoy ang suspek na ang kasambahay ang magnanakaw. Tahasan nitong sinira ang pinto para maisagawa ang kanyang motibo habang wala ang pamilya ng amo.
Narekober sa suspek ang perang tinangay na nagkakahalaga ng Php1.2 milyon at alahas na nasa kalahating milyon ang halaga. Napag-alaman na may una na itong kaso na qualified theft sa parehong modus nitong nagdaang taon.
Muling nahaharap sa panibagong kaso ang suspek. Nasa kustodiya na ng Daet Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
“Hinding-hindi ninyo matatakasan ang batas, saan mang dako kayo magtago. Hahanapin namin at tutugisin namin kayo upang mapagbayaran ninyo ang mga nagawa ninyong pagkakasala,” ani Police Colonel Julius Guadamor, Camarines Norte Provincial Director.
Source: Daet MPS
#####
Panulat ni: Police Corporal Shiear Kye V Ignacio
Husay nmn ng mga Kapulisan..slmt PNP
Job well done
ang galing ng ating kapulisan. keep up the good work. GOD bless PNP!