Bilang paghahanda para sa paggunita ng Araw ng Undas, nagdaos ang Police Regional Office (PRO) 1 ng send-off ceremony para sa mga tauhang ide-deploy sa Ilocos Rehiyon upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa nasabing rehiyon nito lamang ika 30 ng Oktubre, 2024.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Lou F. Evangelista, Regional Director ng PRO 1, ang seremonya, na nagbigay-diin sa kanilang dedikasyon na maghatid ng kapayapaan at kaayusan habang ang mga tao ay dumadalaw at nagbibigay-pugay sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ang presensya ni Brigadier General Evangelista sa okasyon ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mga kapulisan ng Region 1 sa kanilang tungkuling magbantay at magpanatili ng seguridad sa mga panahong mahalaga sa kultura ng mga Pilipino.
Ang mga pulis na ipinadala ay magbabantay sa mga pangunahing lugar sa Ilocos Region, kabilang ang mga sementeryo, simbahan, pangunahing kalsada, at transport hubs upang mapanatili ang kaayusan sa daloy ng trapiko at mabilis na makapagresponde sa mga emergencies.
Sa tulong ng iba pang ahensya ng gobyerno, opisyal ng barangay, at mga boluntaryo, mas titibay ang suporta para sa seguridad at kaayusan ng komunidad.
Habang idinaraos ng mga tao ang mga araw na ito, sisiguraduhin ng mga kapulisan ng PRO 1 na ligtas at payapang makakapag-alay ng dasal at pag-alaala ang lahat sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Source: Police Regional Office 1 FB Page
Panulat ni PSSg Robert B Abella Jr