Friday, January 24, 2025

Kapulisan sa Aklan, nakatanggap ng anim na yunit ng Motorcycle Patrol

Nakatanggap ng anim (6) na yunit ng motorsiklo ang Malay Police Station mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa isang seremonya na ginanap sa Caticlan Civic Center, Barangay Caticlan, Malay, Aklan nito lamang Miyerkules, ika-21 ng Agosto, 2024.

Ayon sa dating hepe ng Malay Police Station na si Police Lieutenant Colonel Don Dicksie De Dios, naisakatuparan ang aktibidad na ito matapos aprubahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang karagdagang kagamitang pangpulisya dahil sa pangunguna at pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) na palawakin ang presensya ng pulisya bilang bahagi ng mga hakbang sa seguridad, lalo na sa mga pangunahing destinasyon ng turista sa bansa.

Binigyang pagkilala rin ang dating hepe na siyang pinakamatagal na naglingkod bilang punong pulis ng Malay Police Station.

Si PltCol De Dios na kasalukuyang nakatalaga sa Police Community Affairs and Development Group (PCADG) ay kinilala sa pagpapabuti ng kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa Boracay at sa buong bayan ng Malay sa pamamagitan ng mga dayalogo at koordinasyon sa iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Nagmarka rin ang mga inisyatiba ni PltCol De Dios na kinabibilangan ng mga walang humpay na kampanya laban sa ilegal na sugal, ilegal na droga, at iba pang mga kriminalidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lugar.

Bahagi ng kanyang programa ang makabuluhang presensya ng pulisya at ito ang estratehiyang nagtulak sa kanya na humiling ng mobility assets mula kay PAGCOR Chairman Al Tengco, sa tulong ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles.

Kasunod ng pag-apruba ng PAGCOR, sinimulan ng lokal na pamahalaan ng Malay sa pangunguna ni Mayor Frolibar Bautista ang public bidding na humantong sa pagbili ng anim (6) na yunit ng motorcycle patrol, lahat ay 155cc Yamaha Aerox. Ang mga natanggap na yunit ng motorcycle patrol ay kumpleto sa mga mahalagang accessories.

Ang pagkakaloob ng anim na motorcyle patrol sa Malay Police Station ay isang napakahalagang hakbang upang mapalakas ang seguridad at kapayapaan sa buong munisipalidad, lalo na sa Boracay Island.

Photo source: Manila Bulletin

Panulat ni Pat Ryza Valencia

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,340SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles