Nakahanda na ang buong kapulisan ng Valley Cops na magiging pwersa sa pagbabantay ng seguridad sa pagdiriwang ng UNDAS 2024 sa buong Rehiyon Dos na magsisimula ngayong araw, ika-30 ng Oktubre 2024.
Pinamunuan ito ni Police Brigadier General Antonio P Marallag Jr., Regional Director ng Police Regional Office 2.
May mga naitalagang Police Assistance Desk na siyang gagabay at malalapitan ng mga mamamayan. Ito ay bilang paghahanda ng mga awtoridad sa mahigpit na seguridad sa mga kababayan nating bibisita sa mga sementeryo.
Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging mapayapa ang pagbisita ng bawat isa na pupunta sa mga puntod.
Kaya naman laging maaasahan ang buong pwersa ng Police Regional Office 2 sa paghahatid ng serbisyo at walang sawang maglilingkod sa ating mga kababayan lalo dito sa Rehiyon Dos.
Source: Police Regional Office 2