Cebu City (January 13, 2022) – Sa pagsisikap ng mga tauhan ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) at sa tulong ng mga katuwang na ahensya at stakeholders ay naisagawa ang post relief operation para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa iba’t ibang munisipalidad ng Cebu simula pa noong Enero 13, 2022.
600 relief packs na naglalaman ng mga pangunahing suplay tulad ng bigas at de-lata ang ipinamahagi sa mga komunidad ng Alcantara, Ronda, Barili, Dumanjug, Pinamungajan at Asturias sa lalawigan ng Cebu.
Layunin ng nasabing relief operation ang pagtibayin ang disaster response operation ng kapulisan sa mga Cebuanos, lalo na sa mga malalayong lugar na nasa dakong timog na lalawigan ng Cebu na lubhang tinamaan ng Bagyong Odette. Ito ay personal na pinangunahan ni PCol Engelbert Soriano, Provincial Director, kasama ang CPPO Command Group, CPPO Staff at PNCOs.
Sa pahayag ni PCol Soriano, kinilala nito ang tulong na kanilang natanggap mula sa pamahalaan ng Cebu at sa lahat ng kanilang stakeholder na naging daan upang patuloy na makapagbigay ng mabilis at maayos na serbisyo publiko.
“Thank you for the support of our PNP organization, Cebu Provincial Government and other stakeholders, we were able to see the beautiful smiles of our recipients amid their difficulties in life. We are doing this in spite of the fact that more than a thousand personnel of CPPO were also victims of the typhoon. Having your own problem is not a good excuse not to lend a hand.” ani PCol Soriano.
XXXXXX
Panulat ni Patrolman Edmersan P Llapitan
Godbless PNP