Wednesday, November 6, 2024

Kapulisan mula sa punong himpilan, naghatid tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol

Bilang pagtugon sa epekto ng mga nagdaang bagyong Krisitine at Leon, tumulak papuntang Albay, Bicol ang mga kapulisan mula sa punong himpilan ng Pambansang Pulisya kagabi upang maghatid ng mga pagkain at damit para sa mga nasalanta ng mga nasabing bagyo.

Bitbit ang mga donasyon mula sa Officers Lady’s Club (OLC), Explosives and Ordnance Disposal and K9 unit, at Police Community Affairs and Development Group (PCADG), isang pangkat ng kapulisan na nagmula sa PCADG at Logistics Support Service ang bumyahe papuntang Police Regional Office 5 bandang ika-9 ng gabi ng Nobyembre 5, 2024.

Sa paglalayong maibsan ang hirap na dinaranas ng mga kapulisan at mga mamamayan sa nasabing rehiyon ay naipadala ang mga damit, pagkain at inumin na may pinagsama samang halaga na Php258,000.00

“Ang mga donasyon na ito ay kumakatawan sa panata ng Pambansang Pulisya na kalingain ang mga mamamayang Pilipino lalo na sa panahon ng sakuna. Nananawagan kami sa mga nais tumulong sa ating mga kababayan na makiisa sa ganitong adhikain upang makabangon ang mga nasadlak sa masalimuot na epekto ng bagyo,” wika ni PLt John Mark J Maandal, ang pinuno ng pangkat sa nasabing operasyon.

“Nais din naming manawagan sa mga kasapi ng makakaliwang grupo na nagbabalak samantalahin ang sakuna upang pataksil na atakihin ang pwersa ng pamahalaan. Huwag na natin palalain ang sitwasyon; bagkus, magtulong tulong tayo upang iangat ang mga nangangailangan ng tulong at pagmamahal.”

Sa kasalukuyan ay bukas ang tanggapan ng PCADG sa mga nagnanais magpadama ng kanilang pagkalinga sa mga nangangailangan ng agarang tulong.

Mangyari lamang na makipag-ugnayan o tumungo sa opisina ng PCADG na matatagpuan sa Camp Rafael T Crame sa Lungsod ng Quezon.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,300SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles