Hinuli ang isang Amerikano matapos magbiro na may lamang bomba ang kanyang mga bagaheng dala habang sinisiyasat ng mga tauhan ng Cebu Pacific sa paliparan ng Tuguegarao City.
Ayon kay PMaj Junvie Velasco, hepe ng Tuguegarao City Police Airport, dinakip si George Adrien Favarielle mula New Jersey, USA, noong Nobyembre 3, 2021.
Nagpaliwanag ang dayuhan na pawang biro lamang ang kanyang ginawa subalit dinakip pa rin ito ng mga Airport Police at dinala sa himpilan ng Tuguegarao City Police Station.
Ayon pa kay PMaj Velasco, ang ginawang bomb joke ni Favarielle ay paglabag sa Anti-Bomb Joke Law ng bansa na hindi maaaring palagpasin ng kanilang hanay.
Pauwi na sana ang Amerikano at ang kanyang asawa na si Rowena Pascua na tubong Gonzaga, Cagayan.
Halagang Php30,000 naman ang itinakdang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.
Photos: Tuguegarao City PS
####
Panulat ni: Police Corporal Carla Mae P Canapi