Cagayan de Oro City (January 17, 2022)- Nagsagawa ng iba’t ibang law enforcement operations ang Police Regional Office 10 (PRO 10) sa pangunguna ni Regional Director, PBGen Benjamin Acorda Jr, mula Enero 1-15, 2022 na nagresulta sa pagkakakumpiska, pagbawi at pagsuko ng 64 na baril, na binubuo ng 46 short arms at 18 light weapons at pagkakaaresto sa 16 na personalidad dahil sa paglabag sa RA 10591.
Sa parehong panahon, ang mga pagsisikap sa OPLAN KATOK, ay may kabuuang 105 baril ang pansamantalang iniingatan sa kanilang mga lokal na istasyon ng pulisya para sa nakabinbing pag-renew ng rehistrasyon ng mga baril.
“Ang mga bilang na ito ay lubos na makatutulong sa ating pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. Higit pa rito, tayo ay lubos na naghahanda para sa seguridad sa panahon ng kampanya at iba pang aktibidad na nauukol sa paparating na halalan”, ani PBGen Acorda Jr.
Bukod dito, nananawagan din siya sa lahat ng media partners na himukin ang ating mga kababayan na makipagtulungan at tumulong sa ating mga lokal na pulis sa pagpapatupad ng anti-criminality campaign.
####
Panulat ni Patrolman Nicole Villanueva
Source: Police Regional Office 10
Galing at husay salamat sa mga Alagad Ng Batas