Higit na pinaigting ng Kalinga Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Davy Vicente Limmong, Provincial Director ang kampanya kontra kriminalidad kung saan noong Disyembre 13, 2021, tatlong (3) magkakasunod na kampanya kontra kriminalidad ang kanilang napagtagumpayan.
Sa Tabuk City, Kalinga, naaresto ng mga kapulisan sa pamamagitan ng kanilang ikinasang buy-bust operation ang isang babaeng street level drug personality sa Barangay Magsaysay.
Kaalinsabay nito, dalawang (2) baril naman ang kusang isinuko ng Barangay Officials ng Tabuk City at Pinukpuk sa mga kapulisan ng Kalinga bilang kanilang suporta sa kampanya ng pulisya kontra loose firearms.
Samantala, sa pamamagitan naman ng bisa ng Warrant of Arrest ay nahuli ang No. 6 Most Wanted Person City Level ng Tabuk City sa Purok 6, Barangay Bulanao Centro, Kalinga.
Ang isinagawang mga operasyon ay bilang pagtalima sa direktiba ng ika-27 Hepe ng Pambansang Pulisya, Police General Dionardo B Carlos, na mas lalong paigtingin ang kampanya kontra kriminalidad para matiyak ang seguridad sa nalalapit na holiday seasons at maging sa susunod na eleksiyon.
#####
Panulat ni: Police Corporal Melody L Pineda
Tatak PNP
Tatak may malasakit
Good job po
Good Job Team PN