Saturday, January 4, 2025

Kampanya kontra Boga at Paputok, isinagawa ng Cotabato City PNP

Mahigpit na kampanya laban sa iligal na paggamit ng boga at ipinagbabawal na paputok ang isinagawa Cotabato City Police Station 4 bilang bahagi ng pagsisikap na masiguro ang kaligtasan ng mga residente ngayong nalalapit na bagong taon nito lamang Disyembre 30, 2024.

Sa nasabing operasyon, hinarang at kinumpiska ng mga awtoridad ang anim na mga boga, isang improvised cannon na karaniwang gawa sa PVC pipe na ginagamit bilang alternatibo sa paputok ngunit delikado at maaaring magdulot ng aksidente.

Ayon kay Police Lieutenant Kenneth Van Encabo, Officer-In-Charge ng nasabing istasyon, ang kampanyang ito ay bahagi ng pinaigting na Kontra Boga at Paputok na alinsunod sa direktiba ng PNP na ipagbawal ang anumang iligal na aktibidad na maaaring magdulot ng sakuna, lalo na sa panahon ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Pinapaalalahanan din ng awtoridad ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak upang hindi mapahamak sa paggamit ng mga bawal na pampasabog.

Nagbabala rin ang PNP na ang sinumang mahuhuli ay maaaring maharap sa kaukulang parusa ayon sa batas.

Ang kampanya ng Cotabato City PNP ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng PNP na tiyakin ang seguridad at kapayapaan sa buong Maguindanao del Sur ngayong kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.

Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan upang maiwasan ang anumang sakuna at mapanatili ang ligtas at mapayapang selebrasyon.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles