Camp Crame, Quezon City — Ginunita ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang ika-124 taong Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagtaas ng watawat ng Pilipinas sa National Headquarters, Camp Crame, Quezon City nitong umaga ng Linggo, Hunyo 12, 2022.
Pinangunahan ito ni Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. na kinatawan ni Deputy Chief for Administration Police Major General Rhodel Sermonia.
Ang naturang pagdiriwang ay dinaluhan ng Command Group, mga Director ng iba’t ibang Unit at ng iba pang mga pulis na nakabase sa Kampo Crame.
Ito ay may temang “Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas” na tumutukoy sa tapang at pag-asa sa kabila ng mga pagsubok ng bansa.
Tampok sa aktibidad ang pagpapalipad ng kalapati bilang simbolo ng kapayapaan at kasarilan ng ating Bansang Sinilangan.
Sa talumpati ni PLtGen Sermonia, binigyan niya ng pagkilala ang mga magigiting na pulis na nagbantay sa mga polling precincts at sa mga patuloy na lumalaban sa pandemya at iba’t ibang uri ng kriminalidad.
“Nararapat na patuloy nating gampanan ang ating tungkulin at maging kaakibat ng pamahalaan sa pagtahak ng isang maunlad at progresibong Pilipinas,” ani pa PLtGen Sermonia.
Photo Courtesy by TDCA
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos