Zamboanga City – Magkatuwang na isinagawa ng ZIAPS at BFAR9 ang joint random inspection sa Philippine Airlines Cargo, Zamboanga City nito lamang ika-22 ng Disyembre 2022.
Sa nasabing inspection ay naharang nila ang dalawang (2) kahon na naglalaman ng pinaghalo-halong palikpik ng pating, na kinumpirma naman ni Ms. Remelyn Q. Atilano, Fishery Quarantine Officer na ang kahon ay naglalaman ng pinaghalong legal at illegal na items.
Ang shipper ng naturang kahon ay kinilalang si Mr. Haiber Johan Ismael, 62 taong gulang, negosyante at residente ng San Jose Cawa-cawa, Zamboanga City.
Agad namang inaresto ng Duty Pal Cargo ang naturang shipper at ang mga nakumpiskang items ay magatumpay na naturn-over sa ZIAPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Patuloy namang pinapaigting ng PNP Aviation Security Group ang pagpapatupad ng seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pasaherong umaalis at dumarating sa paliparan.