Sunday, November 24, 2024

Kagitingan: Iisang Buhay Para sa Bayan

Ang kasiguraduhan ng kinabukasan ng bawat musmos na supling, kapanatagan ng loob ng isang ina, ama, at kapatid na nangangambang naghihintay sa pag-uwi ng kanyang anak at kapatid ay nakasalalay sa kahusayan ng isang lider na masigurado ang pag-uwi ng bawat isa nang buhay sa kani-kanilang tahanan.

Pebrero 17, 1991. Nangyari ang tila walang katapusang sampung oras na pakikipagbuno sa karit ni Kamatayan ng mga kapulisan na pinamunuan ni Police Colonel Elmar B. Sillador (Ret.) na buong kagitingang nagpakita ng kanilang kabayanihan na ipagtanggol ang bansang Pilipinas laban sa mga teroristang patuloy na sumisiil sa kapayapaan at demokrasya ng ating bayan.

Pinangunahan ni PCol Sillador (Ret.) ang 426th Mobile Force Company para madepensahan ang district headquarters ng PNP sa Sitio Tagmalinao, Barangay La Purisima sa bayan ng Cagwait, Surigao del Sur nang atakihin sila ng higit-kumulang 500 miyembro ng New People’s Army na armado ng malalaking baril at pampasabog.

Pinalibutan ng armadong rebelde ang kampo at walang habas na pinaulanan ng bala at pinasabugan ang kampo na nagresulta sa pagkasira at pagkasunog ng mga gusali na nagbibigay proteksyon sa mga kapulisan.

Ngunit walang pag-iimbot sa sarili niyang ginampanan ang kanyang tungkulin bilang Officer-in-Charge nang panahon na iyon. Hindi niya ininda ang walang habas na liparan ng bala at pagsabog mula sa mga kalaban upang makapunta sa hanay ng mga kasamahan para personal na alamin ang kaganapan at kanilang kalagayan.

Sa loob ng halos sampung oras na engkwentro na walang pagkain at tubig, nanatiling nakatindig at determinadong lumaban ang mga kapulisan hanggang dumating ang tulong militar mula sa panig ng pamahalaan na nagresulta sa pag-atras ng mga kalabang NPA.

Nagtapos man ang engkwentro nang may nagbuwis ng buhay, sugatan at pamilyang di na kailanma’y mabubuo, ang kanilang buhay ay hindi naglaho nang walang saysay. Samantala, hindi lingid na ang pinakitang kumpiyansa at katapangan ni PCol Sillador (Ret.) sa kanyang pamumuno ang nagbigay-daan upang mapagtagumpayang tumindig ng hanay laban sa rebeldeng teroristang grupong NPA at mapanatili ang kaligtasan ng lahat.

Magpasagayunpaman, ang kapuri-puring pagganap na ipinamalas ni PCol Sillador (Ret.) sa gitna ng maladelubyong pangyayari ang naghatid sa kanya upang makamit ang karangalan bilang pinaka-unang miyembro sa hanay ng Philippine National Police na magawaran ng Medalya ng Kagitingan.

Ang Medalya ng Kagitingan ay ang pinakamataas at pinakaprestihiyosong medalya na iginagawad ng PNP sa hanay ng Kapulisan na nagpamalas ng hindi maitatanging katapangan at walang takot sa pagharap sa panganib sa buhay higit man ito sa ginagampanang tungkulin.

Ang kadakilaang ipinamalas ni PCol Sillador (Ret.) ay nagsisilbi at magsisilbing inspirasyon sa buong hanay ng PNP sa pagsasagawa ng kani-kanilang responsibilidad maging sa mga nangangarap ding maging miyembro ng PNP.

Samantala, patuloy pa ring naninilbihan sa bayan sa kabila ng kanyang mandatory retirement noong ika-9 ng Mayo 2018 bilang miyembro ng Bless Our Cops Movement at kamakailan lamang ay nanumpa bilang isa sa Advisory Council ng Police Community Affairs and Development Group noong ika-29 ng Marso ng taong 2022.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles