Sarangani Province – Namahagi ng mga kagamitan pang-eskwela ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office sa mga kabataang residente ng Kalon Barak, Barangay Poblacion, Sarangani Province nitong ika-8 ng Agosto 2023.
Pinangunahan ni Police Colonel Nicomedes Olaivar Jr., Provincial Director, ang aktibidad kasama si Dra. Marietta Olaivar-Lomboy ng Perry Rotary Club at mga Force Multipliers na boluntaryong nakiisa sa pamamahagi.
Mahigit 100 na kabataang residente ang naging benepisyaryo na napamahagian ng mga kagamitan pang-eskwela.
Kasabay ng aktibidad ay nagsagawa din sila ng feeding program at nagturo ng kaunting kaalaman patungkol sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Ang mga ganitong aktibidad ang nagpapatunay na matibay ang ugnayan ng mamamayan at ng kapulisan upang panatilihin ang maunlad at maayos na komunidad.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia