Sarangani Province – Nadiskubre ang iba’t ibang mga kagamitang pandigma ng Communist Terrorist Group mula sa Guerilla Front 73 MUSA Far South Mindanao Region (FSMR) ang nadiskubre ng Sarangani PNP sa sa Sitio Balete, Brgy. Batian, Maitum, Sarangani Province nito lamang Marso 1, 2023.
Ayon kay Police Colonel Nicomedes Olaivar Jr., Provincial Director ng Sarangani Police Provincial Office, dakong 5:00 ng hapon nang nagsagawa ng Major Internal Security Operation na tinawag na Oplan Pinaghiusa ang Maitum Municipal Police Station, 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company, 1st Saranggani Province Provincial Mobile Force Company, at Provincial Intelligence Unit.
Ang nasabiing operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre at pagkakarekober ng isang Cal. 9mm UZI sub-machine gun, isang cal. 5.56 revolver, dalawang yunit Cal. 22 revolver, dalawang yunit ng Cal. 357 revolver, siyam na yunit ng cal. 38 revolver, 15 bala ng cal. 38, 30 live ammunition ng cal. 5.56, at tatlong container na naglalaman ng bigas.
Patuloy naman ang panawagan ni PBGen Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12, sa mga natitira pang mga miyembro ng teroristang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at huwag sayangin ang kanilang buhay sa walang saysay at maling ideolohiya na ipinaglalaban.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU11