Umarangkada ang KADIWA Pop-Up Store sa loob ng kampo ng Sultan Kudarat Police Provincial Office nito lamang Mayo 29, 2025.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatibo ng pamahalaan na maghatid ng abot-kaya at lokal na produktong pagkain at pangangailangan direkta sa mga komunidad at sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Layunin ng programa na isulong ang seguridad sa pagkain at pangmatagalang katatagan ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pangunahing bilihin sa mas murang halaga.
Ang mga pangunahing benepisyaryo ng naturang aktibidad ay ang mga kawani ng Sultan Kudarat PNP at kanilang mga pamilya, gayundin ang mga residente mula sa kalapit na mga lugar.


Itampok sa pop-up store ang sariwang gulay at prutas, bigas, itlog, tuyong isda, root crops, at iba pang mga grocery items na may diskwento.
Kabilang sa mga lumahok bilang tindera at vendor ay ang mga lokal na magsasaka at kooperatiba mula sa mga karatig-bayan.
Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Agriculture, pamahalaang lokal, at pamunuan ng pulisya.
Umabot sa mahigit 100 katao ang napagsilbihan sa isang araw na aktibidad.
Lubos ang naging positibong tugon mula sa mga mamimili at tindera, na nagpahayag ng kasiyahan sa pagkakataong makapagbenta at makabili ng mga dekalidad na produkto sa mas abot-kayang halaga.
Bukod sa pagbibigay ng abot-kayang produkto, nagsilbi rin ang KADIWA Pop-Up Store bilang plataporma upang palaganapin ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pagbili ng lokal na produkto at pagsuporta sa mga maliliit na prodyuser sa komunidad.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng KADIWA Pop-Up Store ay patunay na malaki ang maitutulong ng ganitong mga inisyatibo sa pag-unlad ng lokal na kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Lubos na hinihikayat ang pagpapatuloy at regular na pagdaraos ng mga ganitong aktibidad upang mapanatili ang benepisyong naidudulot nito sa komunidad.