Tuesday, May 13, 2025

Kabuuan ng Halalan 2025, mapayapa at walang naitalang malaking insidente – PNP

Naging matagumpay ang kabuuan ng halalan 2025 sapagkat walang naitalang anumang malaking insidente na nakaaapekto sa kaayusan ng botohan.

Sa mahigpit na koordinasyon ng PNP sa Commission on Elections (COMELEC), katuwang ang iba pang mga ahensya ng gobyerno, natapos ang botohan at naisakatuparan ang mandato nito na bantayan at pangalagaan ang boses ng mamamayan.

Maalalang umabot sa 163,621 na PNP personnel, 3,698 na itinalaga bilang Special Electoral Board members, at 37,817 augmentation forces mula sa AFP, Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang partner agencies ang ipinakalat sa buong bansa upang tiyakin ang seguridad ng midterm election.

Pinuri ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil, ang lahat ng yunit ng pulisya at mga katuwang na ahensya sa kanilang dedikasyon at disiplina sa pagtupad ng tungkulin sa halalan, aniya, “Matatag kaming tumindig at sumunod sa direktiba ng ating Pangulo. Karapat-dapat lamang na ang sambayanang Pilipino ay makaranas ng isang mapayapa at tapat na halalan. Hindi namin hinayaang may anumang puwersang manggulo o sumira sa ginanap na botohan. Kami ay handa, naging mapagmatyag, at buong husay na tumupad sa aming tungkulin.”

Samantala, tinutugunan ng PNP ang ilang ulat ng paglabag sa liquor ban at umano’y vote buying. Patuloy ang imbestigasyon at sasampahan ng kaso ang sinumang mapatutunayang lumabag sa mga batas ng halalan.

Nananatiling naka-full alert ang PNP habang nagpapatuloy ang canvassing at proklamasyon ng mga nanalong kandidato. Hinihikayat din ang publiko na iulat agad sa mga opisyal na hotline at communication platforms ng PNP ang anumang kahina-hinalang aktibidad matapos ang halalan.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles