Walang mapagsidlan ang kasiyahan ng mga kabataang Ata-Manobo ng Sitio Kamingawan,Talaingod, Davao del Norte dahil sa kanilang mga natanggap na mga regalo mula sa mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Kamingawan sa pamumuno ng kanilang team leader na si PLt Vizmart R Ricohermoso.
Mula sa suportang ipinaabot ng PNP Officers’ Ladies Club para sa mga kapatid nating Ata-Manobo, ang R-PSB Kamingawan ay namahagi ng mga stinelas at mga laruan sa mga kabataan ng sitio sa pangangasiwa ni PLtCol Prudencio M Cajegas Jr, FC 2nd DNPMFC at sa pakikipag-ugnayan kay PCpt Elfren N Barredo, ACOP, Talaingod MPS noong Linggo, ika-10 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Sa simpleng regalong kanilang natanggap, labis ang kanilang naging pasasalamat dahil nadama nila ang pagpapahalaga at pagmamahal ng mga Pulis sa Barangay lalo na sa kanilang mga katutubo na madalas ay nakapaa at walang mabiling laruan dahil sa kapos sa buhay.
Layunin ng aktibidad na ito na matulungan ang ating mga katutubo sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs) na mapangalagaan ang kanilang komunidad at maipaabot ang serbisyo ng gobyerno sa ilalim ng NTF-ELCAC (EO 70) at upang mas lalong mapalapit sila sa kapulisan at hindi sa makakaliwang grupo.
####
Article by Police Corporal Mary Metche A Moraera