Nagkaisa ang mga kababaihang pulis ng Gitnang Luzon sa pangangalaga ng kapaligiran sa pamamagitan ng Tree Planting Activity na ginanap sa Camp Captain Julian Olivas, City of San Fernando, Pampanga nito lamang ika-12 ng Marso 2024.

Matagumpay ang naturang aktibidad sa pangunguna ni Police Colonel Marites A Salvador, Chief, Regional Community Affairs and Development Division ng Police Regional Office 3.

Ipinakita ng grupo ang malasakit at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng 200 fruit bearing at non-fruit bearing trees kaugnay sa 2024 National Women’s Month na may Temang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan Patutunayan.”

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang mga puno na nakatanim sa loob ng kampo na magsisilbing lilim na nakakatulong sa pagpapababa ng temperatura at pagpapabawas ng polusyon sa hangin.

Patuloy naman ang mga kapulisan sa paglulunsad ng ganitong aktibidad upang mahikayat ang publiko na makilahok sa mga programa ng pamahalaan para sa pagpapanatili ng kagandahan, kaayusan at kaunlaran sa ating bansa alinsunod sa adhikain ng ating mahal na pangulo para sa “Bagong Pilipinas”.
Panulat ni Digna Jane Tenorio Malubay