Nagsagawa ng pre-emptive evacuation at rescue operations ang mga tauhan ng Jovellar Municipal Police Station sa mga residenteng apektado ng baha sa bayan ng Jovellar, Albay ngayong araw, Oktubre 22, 2024.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ni Police Captain Alex B Matienzo, hepe ng nasabing istasyon, katuwang ang mga personahe ng Revitalized Police sa Barangay (R-PSB)- Team Mabini, Jovellar Emergency Response Team (JERT) at Barangay Officials.
Nakaranas ng pagbaha ang mga residente ng Barangay Aurora, Mabini at Sto. Niño matapos tumaas ang lebel ng tubig bunsod ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Bagyong Kristine.
Wala namang naitalang nasaktan at nasa maayos na kalagayan ang mga pamilyang inilikas.
Ang kapulisan ay patuloy na nagbabantay at nagbibigay ng kinakailangang suporta sa mga apektadong residente upang siguruhin na ang bawat isa ay nasa ligtas at nasa maayos na kalagayan sa oras ng sakuna.
Source: Jovellar MPS Albay PPO
Panulat ni Pat Rodel Grecia