Nagsagawa ng Joint Outreach Activity ang Regional Mobile Force Battalion – National Capital Region Police Office (RMFB NCRPO) sa C6, Lower Bicutan, Taguig City nito lamang Lunes, Agosto 5, 2024.
Ang aktibidad ay sa ilalim ng pamumuno ni Force Commander Police Colonel Celso M Rodriguez kasama ang Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP NCR), sa pangunguna ni Jail Chief Inspector Percibal B Valenzuela, ANAK Organization at mga Barangay Officials ng Lower Bicutan.

May humigit-kumulang sa 200 na indibidwal ang nakinabang sa ipinamigay na food packs sa naturang aktibidad.
Ang inisyatibo na ito ay naglalayong magbigay ng mahahalagang suporta at serbisyo sa mga residente ng Barangay C6, Lower Bicutan, pagyamanin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad at pagpapabuti ng bawat isa.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos