Pangasinan – Timbog ang isang wanted person sa operasyon ng Umingan PNP bandang 9:30 ng umaga sa Brgy. Concepcion, Umingan, Pangasinan nito lamang ika-10 ng Agosto 2023.
Kinilala ni Police Major Arnold Soriano, Hepe ng Umingan PNP, ang suspek na si Rolly Acuar Talpe, 40, at residente ng Brgy. Concepcion, Umingan, Pangasinan.
Dagdag pa ni Police Major Soriano, naaresto ang suspek sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.
Ang operasyon ng Umingan PNP ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng mamamayan upang mapaigting ang kampanya kontra kriminalidad para mapanagot ang mga taong may sala sa batas.
Source: Umingan Municipal Police Station
Panulat ni Pat. Viljon Anthony A. Comilang