Saturday, September 21, 2024

Isang pulis, patay sa buy-bust operation sa Consolacion, Cebu

Consolacion, Cebu – Patay ang isang pulis ng mabaril ito sa kasagsagan ng isinasagawang anti-illegal drugs operation bandang 8:30 ng gabi sa Barangay Casili, Consolacion, Cebu nito lamang Linggo, Hunyo 5, 2022.

Kinilala ni Police Brigadier General Roque Eduardo DP Vega ang napatay na pulis na si Police Staff Sergeant Careby Clyde Valle Alinsug at sugatan naman ang pulis asset na si Gibson Tibon Cadampog.

Ayon kay PBGen Vega, si PSSg Alinsug ay nakatalaga sa Consolacion Police Station at kasama sa grupo ng mga operatiba ng pulisya na nagsagawa ng anti-illegal drug operation laban sa tatlong suspek kabilang ang isang ex-convict na kilala bilang “Tata”.

Ayon pa kay PBGen Vega, habang isinasagawa ang operasyon, nakita ng mga biktima ang mga suspek, gayunpaman, nakatunog ang mga suspek at agad bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril ang drug suspek at binaril si PSSg Alinsug ng maraming beses. Sinubukan ni PSSg Alinsug na gumanti ngunit hindi ito nagtagumpay dahil siya ay nasugatan. Sugatan din ang pulis asset na si Cadampog sa insidente.                       

Agad dinala ang mga biktima sa Eversley Child Sanitarium Hospital para sa paunang lunas ngunit idineklara ng attending physician na Dead on Arrival (DOA) si PSSg Alinsug habang nasa kritikal na kondisyon naman si Cadampog.

Sa pagproseso ng SOCO team sa pinangyarihan ng krimen, narekober ang dalawang motorsiklo, isang unit ng cal. 45 pistol, ilang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol, at ang service firearm ni PSSg Alinsug.

Nagsagawa na ang pulisya ng hot pursuit operation para sa posibleng pagkakaaresto sa mga suspek.

###

Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles