Cebu City – Arestado ang isang pamilya na suspek sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Police Station 6 ng Cebu City Police Office matapos makumpiskahan ng libu-libong halaga ng ilegal na droga sa General Gines Street, Brgy. Suba, Cebu City, nitong Martes, Nobyembre 14, 2023.
Sa pangunguna ni Police Major Francis Renz Talosig, Station Commander ng Police Station 6, nailatag ang operasyon bandang alas-9:35 ng gabi kung saan nasamsam ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 15.3 gramo na may Standard Drug Price na Php104,040.
Kinilala ang mga nadakip na sina alyas Froilan, 25, subject ng operasyon; Luisito, 50; at Geralyn, 44, pawang mga residente ng Brgy. Suba, Cebu City.
Ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa mga kaukulang reklamo sa paglabag sa RA 9165.
Sa patuloy na pakikiisa at partisipasyon ng komunidad ang buong hanay ng kapulisan sa lungsod ay higit pang paiigtingin at paghuhusayin ang mga hakbang upang tuldukan ang problema sa ilegal na droga.