Mountain Province – Sumuko ang isang New People’s Army sa isinagawang Anti-Insurgency Operations ng Mountain Province PNP nito lamang Hunyo 21, 2022.
Ang sumukong NPA ay miyembro ng Balugang Daulan Farmers Organization (BADAFO).
Kasabay ng kanyang pagsuko ay isinuko din niya ang isang baril na Home-made Shotgun, isang RG at ilang mga Subversive Documents.
Ang pagsuko ng nasabing NPA ay nagpapakita ng kanyang suporta sa programa ng pamahalaan sa pagpapaigting at pagsugpo sa mga teroristang grupo para sa maayos at mapayapang pamumuhay ng bansa.
###