Bangued, Abra – Sumuko ang isang nagpakilalang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Abra PNP sa Bangued, Abra noong Hunyo 7, 2022.
Ayon kay PCol Maly Castillo Cula, Acting Provincial Director ng Abra Provincial Police Office, sumuko ang dating miyembro ng New Peoples Army sa Barrio sa mga operatiba ng Abra PPO at sa LGU.
Ito ay nagpahayag ng suporta sa Unification program at pagpapakita ng suporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na programa ng gobyerno.
Ayon pa kay PCol Maly Castillo Cula, ang nasabing sumukong NPA ay binigyan din ng tulong pinansyal at relief goods upang magsimula ng bagong buhay.
Hinikayat ng Abra PNP ang mga natitira pang miyembro ng CTG na kusa nang sumuko para sa ikakabuti ng buhay kapiling ang pamilya.
###