Sumuko sa PNP ang isang miyembro ng Ulupan na Umbaley Ed Camp na pinangunahan ng 105th Maneuver Company, RMFB 1 sa Barangay Cadre Site, Bayambang, Pangasinan nito lamang ika-28 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Rumer”, 30, may asawa, at residente ng Barangay Cadre Site, Bayambang, Pangasinan.
Si Rumer ay isang aktibong miyembro ng Ulupan na Umbaley Ed Camp Gregg Military Reservation (UUECGMR), isang samahan na sakop ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at konektado sa kilusang mga partido tulad ng ANAKPAWIS, na may mga ugnayan sa Communist Terrorist Group (CTG).
Matapos ang operasyon, ang nasabing CFO (Contact-Finance Officer) ay pormal na ipinasa sa pangangalaga ni Punong Barangay Roberto A. Diolazo ng Barangay Cadre Site.
Ang operasyon na ito ay bahagi ng patuloy na mga hakbang laban sa mga miyembro ng mga kilusang may kaugnayan sa mga teroristang grupo. Ang mga pag-withdraw ng suporta ay isang mahalagang hakbang upang maputol ang koneksyon sa mga organisasyong nagpo-promote ng karahasan at rebelyon.
Source: 105th MC RMFB1
Panulat ni PSSg Marvin Jake Romero