Bukas-palad na nagbigay tulong pinansyal ang PRO MIMAROPA sa isang miyembro ng RMFB 4B na kasalukuyang naka-confine sa Maria Estrella General Hospital dahil sa karamdaman, nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.
Naisakatuparan ito sa pangunguna ni Police Brigadier General Roger L Quesada, Regional Director at sa pamamagitan ng DAMAYAN ng Pulis MIMAROPA Inc., na pinamumunuan ni PEMS Christober Licot, Regional Executive Senior Police Officer (RESPO), ay personal na binisita si Pat Ivan Adonis H Formento ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4B, para masigurong ito ay nasa mabuting kalagayan.
Layunin ng DAMAYAN ng Pulis MIMAROPA Inc. ang walang patid na katapatan ng PRO MIMAROPA sa kapakanan ng mga tauhan nito, na nagbibigay ng suportang pinansyal sa mga miyembro at kanilang legal beneficiaries sa oras ng pangangailangan.
Source: Police Regional Office Mimaropa
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña