Taos pusong tinanggap ng Revitalized Pulis sa Barangay Balintad ang boluntaryong pagsuko ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Balintad, Manticao, Misamis Oriental nitong ika-12 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Major Marstar Lorenzo, Chief of Police ng Manticao Municipal Police Station, ang sumuko na si alyas “Jimmy”, 59, at residente ng Manticao, Misamis Oriental.
Ayon ka PMaj Lorenzo, kasabay ng pagsuko ni “Jimmy” ay ang pagturn-over din niya ng isang High Powered Long Firearm M16 Rifle with M203 sa mga awtoridad.
Ayon pa kay PMaj Lorenzo, naging matagumpay ang pagsuko sa tulong ng Barangay Officials ng nabanggit na barangay, Manticao MPS, 2nd Provincial Mobile Force Company Misamis Oriental, at 41st Mechanize Company Philippine Army.
Patuloy naman na hinihikayat ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang natitira pang aktibong miyembro ng komunistang grupo na sumuko at magbalik-loob sa pamahalaan at magsimula ng bagong buhay kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Panulat ni Pat Edwin Baris