Negros Occidental – Sumuko sa awtoridad ang isang miyembro ng Communist Front Organization at binawi ang pagsuporta sa mga CTG affiliated organizations sa Sitio Cabangahan, Brgy. Hilamonan, nitong ika-22 ng Setyembre 2023.
Naging daan upang maisakatuparan ang withdrawal of support at pagsuko ng mga armas ng naturang CFO member ang 2nd Negros Occidental MFC sa pangunguna ng Force Commander nito na si Police Lieutenant Colonel Alvimar Flores, katuwang ang mga tauhan ng Kabankalan CCPS.
Ang sumukong CFO member ay isang 57-anyos na lalaki na kinilalang kasapi ng Campi Agrarian Reform Beneficiaries Association (CARBA), sa ilalim ng “Paghida-et sa Kauswagan” Development Group, Inc. (PDG).
Ayon kay PLtCol Flores, kasabay ng kusang pag-atras, isinuko rin ng CFO member ang kanyang armas, kasama rito ang isang .357 caliber revolver na may dalawang (2) live ammunitions, isang Explosive Material (Blasting Cap), at isang M203 live ammunition na may kinalaman sa explosives.
Ang matagumpay na pagbawi ng suporta sa makakaliwang organisasyon ay resulta lamang ng patuloy na pagsusumikap ng PNP para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing lugar, pati na rin ang pagtutok sa kampanya ng ating pamahalaan na matuldukan ang insurhensiya at terorismo sa ating bansa.