Ormoc City, Leyte (January 20, 2022) – Kalaboso ang isang lalake sa paglabag sa RA 10591 in relation to Omnibus Election Code (Gunban) sa isinagawang COMELEC Checkpoint ng Ormoc City Police Station 1 sa Cogon Rotonda, Brgy. Cogon, Ormoc City, alas siyete y medya ng umaga nito lamang ika-20 ng Enero, 2022.
Nahuli ng mga kapulisan si Raul Ollave y Galo, 46 taong gulang, walang trabaho at residente ng Purok 7, Brgy. Can Adieng, Ormoc City, sa pangunguna ni Police Lieutenant Rolly A Macarubbo, Deputy Station Commander sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Michael M Duran, Officer-In-Charge, Ormoc City Police Station 1.
Ang suspek ay sakay ng kaniyang motor ng pinahinto siya ng mga operatiba ng nasabing istasyon upang hingan ang kanyang driver’s license at iba pang kinakailangang dokumento. Nang akmang kukunin na ng suspek ang kaniyang identification card sa kaniyang sling bag ay nakita ng mga kapulisan (in plain view doctrine) ang baril at iba pang ilegal na mga kontrabando.
Nakuha sa suspek ang isang (1) yunit ng Cal.45 pistol 1911 na may serial number 247936 at nakalagay na isang (1) magazine na may lamang pitong (7) live ammunition at dalawa (2) pang extra magazine na may laman namang 14 na live ammunitions.
Samantala, bigo naman na ipakita ni Ollave ang mga kinakailangang dokumentong nagpapatunay na sa kanya ang nasabing baril. Ang nasabing suspek ay inaresto at nasa kustodiya na ng OCPS1 para sa pagsampa ng kaso nito sa korte.
######
Panulat ni Patrolman Kher Bargamento
Great Job sa mga alagad ng batas