Sunday, October 27, 2024

Isang lalaki sa Tarlac City, pinugutan ng ulo

Tarlac City (February 1, 2022) – Isang lalaki ang pinugutan ng ulo ng kanyang kapit-bahay na may sakit sa pag-iisip sa Sitio Parabora, Barangay Tibag, Tarlac City noong ika-1 ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang 12:30 ng hapon, nagtungo sa PCP5 Tarlac City PS ang barangay kagawad na si Manny Taqui upang ireport ang suspek na kasulukuyang nag-aamok sa kanilang barangay.

Agad rumesponde ang mga kapulisan ng Police Community Precint 5 ng Tarlac City Police Station at doon nadatnan nila ang suspek na tumatakbo hawak ang kanyang itak at ulo ng biktima.

Sinubukang pakalmahin ng mga rumespondeng pulis ang suspek at sinabihang itigil na nito ang kanyang ginagawa. Ngunit sa halip na sumunod sa mga pulis, sinugod nito ang isang opisyal na pulis at akmang hampasin nya ito ng itak. Dahil dito, nabaril ni PCMS Danilo Manalili ang kanang binti ng suspek at tsaka pinosasan.

Dinala ng mga pulis ang suspek sa Tarlac Provincial Hospital upang mabigyang lunas ang binti nito.

Napag-alaman ng mga pulis na ang suspek ay may sakit sa pag-iisip at gumagamit din umano ng ipinagbabawal na droga.

Kasalukuyang pinoproseso ng Tarlac Provincial Forensic Unit ang kaso ng suspek at haharap ito sa kasong Murder.

####

Panulat ni PEMS Joey San Esteban, RPCADU 3

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,290SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles