Tanay, Rizal – Arestado ang isang lalaki ng Rizal PNP dahil sa paglabag sa COMELEC Gun Ban nito lamang Miyerkules, Mayo 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si John Prince Loot Parcia, 20, residente ng Sito Pinagsabiran, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 3:30 ng hapon naaresto si Parcia sa Marilaque Highway, Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal habang nagsasagawa ng COMELEC checkpoint ang mga tauhan ng Tanay Municipal Police Station.
Ayon pa kay PCol Baccay, nakuha kay Parcia ang dalawang caliber .38 revolver at siyam na piraso ng bala.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to COMELEC Gun Ban.
Ang Rizal PNP sa pamumuno ni PCol Baccay ay patuloy sa kampanya laban sa iba’t ibang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: Rizal Police Provincial Office-PIO
###
Panlulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis C Arellano