Arestado ang isang suspek sa kasong panggagahasa sa Barangay Tabao, Central, Valladolid, Negros Occidental noong Setyembre 11, 2021.
Ito ay sa pamamagitan ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng Anti-Kidnapping Group Visayas Field Unit kasama ang Lambunao, Municipal Police Station at Valladolid Municipal Police Station.
Ang pag-aresto sa suspek na kinilalang si Ricky Segura Lacupa, 27 taong gulang at residente ng Brgy. Lanot Grande, Lambunao, Iloilo ay mula sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Gemalyn Faunillo Tarol, Presiding Judge, RTC 6th Judicial Region, Branch 76, Janiuay.Â
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Valladolid MPS para sa kaukulang dokumentasyon bago iturn-over sa korte.