Capiz – Kusang sumuko ang isang miyembro ng Komunistang Teroristang Grupo sa kapulisan sa Pob. Ilawod, Cuartero, Capiz nito lamang ika-18 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dante Tayco, Force Commander ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company, ang sumukong si alias “Ka Rod”, 34, isang magsasaka, at residente ng Brgy. San Antonio, Cuartero, Capiz, miyembro ng Squad 2 at nagsilbi bilang isang medic sa kilusan sa ilalim ng Command ng SPP East KR-Panay.
Ayon kay PLtCol Tayco, kusang sumuko ang naturang CTG member sa kadahilanang siya ay matagal nang nililinlang at niloloko lamang ng CPP-NPA sa kanilang walang kabuluhang pakikibaka at isang kapahamakan lamang ang naidudulot nito sa kanyang buhay.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pag-turnover nito ng kanyang mga armas na isang (1) unit ng homemade caliber .38 revolver na walang serial number na may dalawang buhay na bala, at isang (1) unit ng rifle grenade with canister.
Naging matagumpay ang pagsusuko sa pinagsamang pagsisikap ng 2nd Capiz PMFC, Cuartero MPS, Capiz PIDMU, PIT Capiz RIU6, Capiz PIU, 3rd Civil Military Operation CMO Battalion, 3rd ID PA, 12IB, 3ID PA, 31st MICO, 3rd MIB, 3ID PA, at 602nd RMFB6.
Ang Capiz PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Jerome Afuyog, Jr. ay patuloy sa kampanya kontra terorismo at hinihikayat ang mga aktibong miyembro ng komunistang grupo na sumuko upang mamuhay ng maayos at tuluyang makamit ang tunay na kapayapaan tungo sa kaunlaran.