Sa kulungan ang bagsak ng isang individual na may kasong Qualified Rape matapos maaresto ng Carmen PNP sa Sitio Norte, Calatrava, Carmen, Bohol, noong ika-16 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Major Robert Nudalo Lucernas, hepe ng Carmen Municipal Police Station, Bohol Police Provincial Office, ang suspek na si “Prudencio”, 33 anyos at residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 11:00 ng umaga ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Rape by Sexual Assault na may Php180,000 rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na pagkaaresto ng suspek ay bunga ng walang humpay na kampanya kontra kriminalidad ng Carmen PNP upang panatilihing ligtas at payapa ang nasasakupang komunidad tungo sa maunlad na Bagong Pilipinas.
Source: CMPS SR
Panulat ni Pat Grace Coligado