Arestado ang isang indibidwal matapos makuhanan ng ilegal na baril sa isinagawang Police Visibility Patrol ng mga tauhan ng Pagalungan Municipal Police Station sa Barangay Layog, Pagalungan, Maguindanao Del Sur noong ika-26 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Lionel Basquiñas, Platoon Leader ng 4th Maneuver Platoon 2nd Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Bong” at naninirahan sa Barangay Mongkas, Gokotan, Pikit, North Cotabato.
Ayon kay PLt Basquiñas, bandang 2:15 ng hapon, matagumpay na naaresto ang suspek sa pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Pagalungan Municipal Police Station, 4th Maneuver Platoon ng 2nd Provincial Mobile Force Company at 90th Infantry Battalion Charlie Coy.
Batay sa imbestigasyon, ang suspek ay sangkot sa kamakailang insidente ng pamamaril na nangyari sa naturang lugar.
Nakumpiska mula dito ang hindi lisensyadong Cal. 45 Norinco na may Serial number 417263 at anim na bala.
Mahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang suspek kapag napatunayang nagkasala ito.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng maunlad na bansa para sa sambayanang Pilipino tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Veronica B Laggui