Arestado ang isang indibidwal matapos hinain ang Bench Warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ng pulisya sa Barangay Rumidas, Buldon, Maguindanao del Norte nito lamang ika-14 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Joselito S Radam, Officer-In-Charge ng Buldon Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Abo”, 31-anyos at residente ng naturang lugar.
Bandang 11:50 ng umaga nang ihain ang Bench Warrant of Arrest ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Buldon MPS, 3rd MP, 1st PMFC at PIDMU sa kasong paglabag sa RA 9165 na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang tagumpay ng operasyong ito ay patunay ng dedikasyon ng PNP sa pagsugpo sa ilegal na aktibidad. Patuloy ang koordinasyon ng PNP katuwang ang ibang sangay ng pamahalaan upang tiyakin ang tagumpay ng operasyon.
Panulat ni Pat Veronoca Laggui