Inihain ng mga otoridad ang Warrant of Arrest laban sa isang indibidwal sa kasong Statutory Rape sa Ipili District Jail, Sanito Ipil, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-02 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Atty. Flint S Depnag, Force Commander ng 2nd Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company, ang suspek na si alyas “Dodong” 53 anyos, lalaki, driver at residente ng Purok Daisy, Barangay Palomoc, Titay, Zamboanga Sibugay.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, para mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa umuunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco