Arestado ang isang indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” sa ikinasang Anti-Criminality Checkpoint/Oplan Sita ng mga awtoridad ng Marantao Municipal Police Station sa Barangay Rana-Ranao, Marantao, Lanao del Sur noong ika-23 ng Marso 2024.
Kinilala ni Police Major Bobby Mario E Egera, Hepe ng Marantao MPS, ang suspek na si alyas “Amang”, 34 anyos, may asawa, negosyante at residente ng naturang lugar.
Ayon kay PMaj Egera, nagsasagawa ng Anti-Criminality Checkpoint o Oplan Sita ang mga tauhan ng Marantao MPS nang mapansin nila ang isang lalaking sakay ng isang motorsiklo at may dala-dalang baril na nakatago sa kanyang baywang. Agad naman itong sinita at pinahinto ng mga awtoridad at hiningan ng kaukulang dokumento ng nasabing baril ngunit wala itong maipakita na nagresulta sa pagkaaresto ng nasabing suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang di lisensyadong caliber 45 pistol na may serial number na 627945.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” kapag napatunayang nagkasala ito.
Mahigpit namang pinapatupad ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang isinusulong ng ating gobyerno partikular ang ating mahal na Pangulong Ferdinand E Marcos Jr. na tugunan ang kampanya kontra kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at seguridad sa ating bansa tungo sa bagong Pilipinas.
Panulat ni Rodessa T Gallego