Davao City – Arestado ang isang indibidwal ng mga tauhan ng Task Force Sirawan Davao at Toril PNP sa kasong paglabag sa RA 10591 sa Brgy. Sirawan, Toril, Davao City, noong Hulyo 14, 2022.
Kinilala ni PMaj Carol Jabagat, Station Commander ng Toril Police Station, ang suspek na si Giovanni Pedroso Tejada, 35, residente ng San Francisco, Agusan del Sur.
Ayon kay PMaj Jabagat, naaresto ang suspek matapos dumaan at parahin sa isinagawang checkpoint ng pinagsamang tauhan ng TF Sirawan Davao at Toril PS upang inpeksyunin ang kanilang sasakyan at mga dala at doon nakita ng mga otoridad ang ilegal na baril.
Dagdag pa ni PMaj Jabagat, narekober mula sa suspek ang isang caliber revolver .22 na may nakalagay na magazine kasama ang 48 live ammunition.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Nagbabala naman ang Police Regional Office 11 na huwag magdala ng baril o anumang armas na hindi otorisado at walang kaukulang dokumento dahil ito ay labag sa batas at may katapat na kaparusahan.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara