Arestado ang isang indibidwal sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o “Illegal Gambling” sa Purok Crismor, Barangay Biwang Bagumbayan, Sultan Kudarat nito lamang Enero 27, 2025.
Kinilala ni Police Major Arnel P Legada, Hepe ng Bagumbayan Police Station, ang suspek na si alyas “Bong-Bong”, 52 anyos, may asawa at residente ng naturang bayan.
Nahuli ang suspek sa isinagawang joint manhunt operation ng Bagumbayan Municipal Police Station at Sultan Kudarat Provincial Intelligence Unit sa naturang lugar na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek at pagkakumpiska ng bet money sa last two/last three na nagkakahalaga ng Php500, ballpen at iba pang paraphernalia.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o “Illegal Gambling”.
Upang makamit at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa sa pamamagitan ng paglutas at pagsugpo sa mga ugat ng nangyayaring kaguluhan at krimen.