Arestado ang isang empleyado ng Bangsamoro Airport Authority matapos saksakin ang kasamahan sa trabaho sa loob ng Admin Office ng Cotabato Airport, Barangay Awang, nito lamang ika-27 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Samuel Roy Subsuban, Hepe ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “George”, 53 anyos, residente ng Crossing Barangay Awang at ang biktima na si alyas “Suharto”, 29 anyos, na residente ng Bagua 1st Cotabato City.
Naganap ang insidente bandang 3:00 ng hapon nang masaksihan ang suspek na sinaksak nang paulit-ulit ang biktima sa gitna ng komosyon ay agad na inaresto ang suspek, habang ang biktima ay isinugod sa ospital at kasalukuyang nagpapagamot.
Narekober sa suspek ang isang matulis na flies tool at pares ng gloves sa lugar ng krimen at inihahanda na ang kasong Frustrated Homicide laban sa suspek.
Ang insidenteng ito ay nagpapaalala ng kahalagahan ng pagpapanatili ng maayos na relasyon sa trabaho, at pagpapakita ng kahandaan ng mga pulis na tumugon sa anumang banta upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya