Arestado ng San Pedro Police Station ang isang indibidwal sa kasong three (3) Counts of Acts of Lasciviousness nito lamang ika-17, 2024 sa Purok 4, Barangay Poblacion, Nabunturan, Davao de Oro.
Kinilala ni Police Major Emmanuel D Manlatican, Acting Station Commander ng San Pedro Police Station, ang suspek na si alyas “Lesther”, 31 anyos at residente ng Bluebell Street, Barangay 76-A, Davao City.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng nasabing istasyon sa pakikipagtulungan sa Davao de Oro Provincial Forensics Unit, 1st CMFC at TSC-RMFB 11 tatlong bilang ng Acts of Lasciviousness na may piyansang Php108,000.
Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng Police Regional Office 11 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Nicolas D Torre III alinsunod sa kampanya ng Bagong Pilipinas na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino