Arestado ng mga awtoridad ang isang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 2, Roxas, Palawan nito lamang ika-15 ng Pebrero 2025.
Kinilala ang nahuling suspek na si alyas “Jack”, 53 taong gulang, may live-in partner, self-employed, residente ng Barangay 1, Roxas, Palawan.
Naaresto ang suspek sa operasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas MPS MDET, PDEU, PDEG, PNP EOD K9, Palawan PIU, PDEA Palawan SOU at PDEA Palawan PO.
Narekober mula sa pag-aari at kontrol ng suspek ang heat-sealed transparent plastic sachet na pinaniniwalaang shabu, buy-bust money, pula at itim na motorsiklo, at iba pang drug paraphernalia.
Ang nahuling suspek ay nakatakdang sampahan ng kaulang kaso na may kaugnayan sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy ang pulisya sa pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.
Source: Thunder News Philippines
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña