Monday, May 19, 2025

Isang indibidwal, arestado sa checkpoint operation

Arestado ang isang indibidwal matapos mahulihan ng shabu at baril sa isinagawang checkpoint operation sa General Salipada K Pendatun, Maguindanao del Sur noong Mayo 24, 2024.

Kinilala ni Police Captain Sandique L Solaiman, Hepe ng GSKP Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Nas”, 31, residente ng Barangay Panosolen, GSKP, Maguindanao del Sur.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.2 gramo na nagkakahalaga ng Php1,360, isang improvised tooter na may lamang shabu mula sa paggamit nito, isang tubular container, isang lighter, isang brown na wallet, isang shoulder bag at voter’s ID.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang yunit ng homemade na 12-gauge pistol (single shot), isang yunit ng 12-gauge shotgun na may tatlong bala.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng report ang nasabing istasyon galing sa isang concerned citizen na umano’y may dalawang lulan ng motorsiklo galing Sultan sa Barongis papuntang bayan ng Buluan.

Agad namang nagsagawa ng checkpoint operation ang nasabing istasyon at nang papalapit na ang mga naturang suspek at biglang nag u-turn ang mga ito papalayo sa checkpoint.

Nakita ng mga pulis ang suspek na may nakasugbit na baril sa kanilang baywang at noong tanungin ang mga ito sa dokumento ng baril ay wala silang maipakita.

Samantala, nagsagawa ng body search at nagpositibo ang mga ito sa pagdadala ng shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay patuloy na gagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na magbigay ng serbisyo-publiko na hulihin ang mga nagkasala sa batas kontra kriminalidad para sa maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Pat Ma. Señora J Agbuya

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles