Arestado ang isang 56-anyos na lalaking sangkot sa ilegal na droga sa ikinasang anti-illegal drug operation ng Valenzuela City Police Station dakong 1:30 ng madaling araw nito lamang Sabado, Abril 26, 2025 sa Barangay Coloong, Valenzuela City, Metro Manila.
Kinilala ni Police Colonel Nixon M Cayaban, Hepe ng Valenzuela City Police Station, ang suspek na si alyas “Ron”.
Nahuli ang suspek sa aktong pagbebenta ng isang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer at narekober ang karagdagang apat na heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na umabot sa higit kumulang 34 gramo ang kabuuang timbang ng nasamsam na droga na may Standard Drug Price na Php231,200, buy-bust money, boodle money, isang coin purse, at isang itim na Samsung cellphone.
Ihahain ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” laban sa suspek.
Patuloy ang Northern Police District sa puspusang kampanya laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng kanilang walang sawang pagsusumikap na protektahan ang komunidad at panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa publiko.
Source: NPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos